DepEd, pagbubukas ng School Year 2020-2021 ay inilipat sa Oktubre 05, 2020

Sa biglaang presscon ng Department of Education (DepEd), kinumpirma ni Education Secretary Leonor Briones, na natanggap na nitong umaga ang memorandum order mula sa Office of the President kaugnay ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat ang pasukan sa October 5.

Epektibo ito sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bansa, maliban na lamang sa mga private school na hawak ng universities, at gayundin ang iba pang pribadog paaralan na nakapagsimula na ng kanilang klase.

Ayon kay Briones, nagpasya ang Pangulo na ilipat ang pasukan kasunod ng rekomendasyon ng DepEd, dahil sa naging implikasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at Calabarzon, sa paghahanda ng mga guro at learner sa nakatakda sanang pasukan sa August 24.

Sasamantalahin naman aniya ng DepEd ang higit isang buwan, para maisaayos ang mga naging limitasyon at aberya sa mga paghahanda ng mga guro para sa blended learning, gaya ng pagkumpleto sa learning modules.

Ipagpapatuloy rin umano ang mga orientation, dry runs, at delivery of learning resources.

Aminado naman si Sec. Briones, na mahirap ang naging desisyon na iurong muli ang pasukan ngunit kailangan umanong mag-adjust sa kasalukuyang covid situation sa bansa.

Humingi ito ng pang-unawa sa mga magulang, at nangakong pagdating ng October 5 ay handang handa na talaga ang pagbubukas ng school year 2020-2021.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.