Deputy Speaker Paolo Duterte, dumistansya sa alitan ng ilang kongresista dahil sa DPWH 2021 budget allocation

Dumistansya si Deputy Speaker at Davao City Representative Paolo Duterte sa alitan sa pagitan ng ilang kongresista, kaugnay sa budget ng Department of Public Works and Highways sa kani-kanilang distrito sa 2021.

Ang naturang pahayag ay kasunod ng pagkuwestyon ni Negros Oriental Representative Arnulfo Teves sa hindi aniya pantay na alokasyon pondo para sa infrastructure projects sa iba’t ibaang lalawigan.

“Although I am an ex officio member being a Deputy Speaker, I have respectfully and clearly told them that their concern is something that I would rather stay away from — out of delicadeza because my father is the President.” ani Duterte

Bukod naman dito ay ay inamin din ni Duterte na nagpadala siya ng isang text message sa isang kongresista para ipahayag ang kaniyang pagkadismaya matapos malaman ang hinaing ng mga kapwa mambabatas.

Ito rin aniya ang mensahe na kanyang ipinadala sa isa pang mambabatas sa Visayas bloc.

Nakasaad sa mensahe ni Rep. Duterte na nananahimik lang umano siya dahil hindi na siya kinakausap ng kampo ng Speaker, at ngayon ay nadamay pa umano siya, kasabay ng paghirit ng Mindanao Bloc na bakantehin ang Speaker at Deputy Speakers post.

Paliwanag naman nito na hindi na siya makikisali pa sa naturang isyu ngunit kaisa siya sa paghahanap ng kasagutan para sa mga kasamahan sa kongreso upang malinawan ang patas na alokasyon ng budget para sa kani-kanilang mga constituents.

“I do not want to get involved, however, I wish to help my fellow lawmakers find answers to their questions or remedies to the budget that they proposed for their people…If the members of Congress will push for a change in House leadership, as a reaction to their sentiments, obviously I would be among the casualties because I am a deputy speaker. I am ready to accept the consequences.” diin ng mambabatas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.