Deputy Speaker Romero, pinabulaanan ang pagkakasangkot sa iligal na negosyo

Pinabulaanan ni Deputy Speaker at 1PACMAN Partylist Representative Mikee Romero ang alegasyon ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na sangkot siya sa iligal na negosyo.

Ayon kay Romero, pinalutang lamang ni Cayetano ang naturang isyu upang hatiin ang partylist coalition na pinamumunuan ni Romero.

Ani Romero walang iligal sa kanyang airline business at bukas din naman aniya sa publiko ang kanyang mga business partners.

Naniniwala ang mambabatas na isinangkot siya ng Taguig representative sa isyu para i-discredit siya sa 54-member partylist bloc upang makuha ang suporta ng iba sa mga ito.

Kung matatandaan sa kasagsagan ng speakership issue ay sinabi ni Cayetano na ginagamit ni Romero at maging ni Negros Oriental Representative Arnulfo Teves ang kanilang posisyon para sa illegal business.

Kapwa malapit si Romero at Teves sa bagong House speaker na si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.SEARCH

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.