Deputy Speaker Romero, Renta sa apartment, bahay, puwesto ng tindahan, hinimok na ihinto muna

Para hindi mag-alala ang mga pamilyang Pilipino sa pagbabayad ng upa at amelyar sa bahay, apartment, o puwesto sa maliit nilang negosyo, hinimok ni 1-PACMAN Rep. Mikee Romero ang Human Settlements Department at mga pamahalaang lokal na i-utos ang “payments deferment of residential and business rentals and real property taxes” nang mga tatlo o apat na buwan.

Ayon kay Deputy Speaker Romeo kailangan ng mga pamilyang lubhang apektado ng COVID-19 na maka-focus muna sa kanilang kalusugan at pangkain, at mabigyan sila ng pagkakataon na makabangon oras na matapos na ang krisis.

Paliwanag ni Romero mayroong kapangyarihan ang Department of Human Settlements and Urban Development (at ang mga pamahalaang lokal na ipagpaliban ang pagbabayad ng renta sa pabahay at negosyo, habang maaari naman tapatan ang kanilang aksyon ng mga bangko hinggil naman sa pagbabayad sa housing loans.

Hinikayat rin ni Romero ang Bangko Sentral ng Pilipinas na magpatupad ng isang “bailout program” para magawa ng mga konsyumer ang refinancing at restructuring ng kanilang mga utang sa bangko at nang mas may kakayahan silang bayaran ang mga utang nila.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.