DFA ipinatawag ang Chinese Ambassador hinggil sa usapin ng WPS

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian noong Lunes, ika-12 ng Abril hinggil sa usaping sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y matapos ikinadismayang DFA ang iligal na pananatili ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef.

Nilinaw ni DFA Acting Undersecretary Elizabeth P. Buensuceso kay Ambassador Xilian na ang Julian Felipe Reef ay sakop pa ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

At idinagdag pa ni Buensuceso na ang patuloy na presensya ng mga Chinese vessel sa naturang reef ang pangunahing dahilan ng tensyon sa rehiyon.

Binigyang-diin din ni Buensuceso na ang July 12, 2016 Award sa South China Sea Arbitration ay nagdesisyonna ang claims sa historic rights, o iba pang sovereign rights o hurisdiksyon na lalampas sa geographic at substantive limits ng maritime entitlements sa ilalim ng UNCLOS ay walang basehan ayon sa batas.

Kaugnay naman sa naunang pahayag ng tagapagsalita ng Chinese Embassy kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, pinaalalahanan ni Buensuceso ang panig ng China ng tamang decorum at pag-uugali sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin bilang mga panauhin ng Pilipinas.

Inihayag naman ng DFA na nagkasundo ang dalawang panig na gamitin ang mapayapang paraan sa pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.