DFA- Mga aktibidad ni PRRD kaugnay ng biyahe nito sa Busan, South Korea para sa ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit, punong-puno

Busy ang magiging schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakatakda nitong pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Commemorative Summit sa Busan, South Korea sa darating na Nobyembre 25 at 26.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Junever Mahilum-West, magiging abala ang schedule ng Chief Executive sa naturang international event.

Kabilang sa magiging aktibidad ng Pangulo ang bilateral meeting nila ni South Korean President Moon Jae-in habang inaasahang may mga kasunduan ding lalagadaan ang Presidente sa nasabing Summit na ayaw na munang idetalye ng DFA.

Sa ika-26 ng Nobyembre ang inaasahang main event ng dalawang araw na aktibidad na dito ay nakatakda ang dalawang session at ito’y may kaugnayan sa gagawing diskusyon sa ika-30 taon ng kooperasyon ng ASEAN habang ang isa nama’y may kinalaman sa connectivity.

Bukod dito ay may mga sidelight activities pang dapat daluhan si Pangulong Duterte kaya’t walang kasiguraduhan kung makakaharap pa ng Presidente ang Filipino community sa Busan, South Korea.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.