DFA, naghain ng 2 protesta vs. China dahil sa pagharang sa PCG vessels

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naghain ito ng dalawang reklamo laban sa China, dahil sa pagbuntot at pagharang ng mga barko nito sa Philippine Coast Guard (PCG) vessels na nagpapatrolya sa teritoryo.

Sa isang statement, sinabi ng DFA, na nagsagawa ng dangerous maneuver at radio challenges ang mga barko ng China sa Bajo De Masinloc, noong April 24 at 25, kahit lehitimo ang maritime patrol at training exercises ng PCG.

Naghain din ng protesta ang ahensya, ukol sa ilegal at lumalawak na presensya ng Chinese fishing at maritime militia vessels, mula January 1 hanggang March 18 ngayong taon.

Batay sa monitoring ng Philippine Maritime Law Enforcement agencies, namataan ang daan-daang barko at ilang aktibidad sa Pag-asa Islands, Zamora Reef, Panata at Kota Islands, Ayungin Shoal, Quirino Atoll at Bajo De Masinloc.

Pinalagan naman ng DFA ang pahayag ng Chinese Ministry of Foreign Affairs, noong April 26, na may soberenya ang naturang bansa sa Bajo De Masinloc, at iginiit na wala itong basehan sa international law, kabilang ang 1982 UNCLOS.

Kaugnay nito, ay nanawagan ang DFA sa China, na igalang ang soberenya ng Pilipinas at paalisin na ang mga barko nito sa teritoryo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.