DFA Sec. Locsin Jr., agad na tatawag sa Amerika sakaling makaranas ng pag-atake sa mga barko ng Pilipinas sa WPS

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na agad siyang makikipag-ugnayan sa Washington D.C. sakaling may Filipino vessel na biglaang makaranas ng pag-atake sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ni Locsin kasunod ng pagpalag ng Beijing sa inihaing diplomatic protest ng Pilipinas noong nakaraang linggo, kung saan tinawag nito ang regular maritime patrol na “illegal provocations”.

Pero tumanggi ang kalihim na ipaliwanag sa kung anong basehan niya tatawagan ang Amerika sakaling may mangyaring pag-atake sa pinag-aagawang teritoryo.

Naniniwala si Locsin na nakasandal ang administrasyon ni US President Donald Trump sa Asya sa paggiit sa freedom of navigation, independence at sovereignty of states pati na sa pagpalag sa anumang klase ng panggigipit.

Mababatid na noong Pebrero ay siniguro ni US Secretary of State Michael Pompeo na nakahanda itong tumulong sakaling makaranas ng harassment ang mga barko ng Pilipinas o anumang puwersa sa South China Sea.

Binanggit ni Pompeo ang probisyon na nakasaad sa animnapu’t siyam na taon nang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.