DFA Sec. Locsin, Tinawag na “pure genius” ang white sand sa Manila Bay

Tinawag na “pure genius” ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang kontrobersyal na white sand project sa Manila Bay na dinumog ng publiko nitong weekend.

Ito’y matapos mamangha si Locsin sa ganda ng white sand buhat sa dolomite nang bisitahin nito ang lugar kasama ang ilang opisyal ng US Embassy.

Ayon sa kalihim, ipinamalas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaya itong tapusin sa loob ng kalahating taon at ngayo’y unti-unti nang naglalabasan ang marine life.

Nais din ni Locsin na ayusin ang wide trench o hukay sa palibot ng embahada na matatagpuan sa Roxas Boulevard kasunod ng labis na pagkahumaling sa artificial white sand.

Dahil sa ideya ni Environment Secretary Roy Cimatu ay nagkaroon aniya ng posibilidad na mapasigla ang turismo sa Manila Bay.

Bukod sa US Embassy officials ay kasama ni Locsin na bumisita sa white sand ang officer-in-charge ng Ermita Police na si Lt. Col. Alex Daniel.

Mababatid na isinara muna ito sa publiko matapos dagsain noong Linggo at mabalewala ang health protocols laban sa COVID-19 partikular ang physical distancing.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.