Dialysis center na sangkot sa korapsyon sa Philhealth, iimbestigahan sa Senado

Balak na isalang sa Senado sa isang magkahiwalay na pagdinig laban sa isang dialysis center matapos itong masangkot sa mga kontrobersiya ng korupsiyon sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Sa tatlong pagdinig na ginawa ng Senado hinggil sa PhilHealth, ang B. Braun Avitum Philippines Inc. isang dialysis center, ang isa sa mga kinuwestyon ni Sen. Panfilo ‘Ping’  Lacson dahil sa tinanggap nitong IRM funds mula sa ahensiya.

Ayon kay Lacson may favoritism at discrimination sa pagbibigay ng IRM cash advance matapos nilang bigyan ang nasabing dialysis sa pondong para lamang sa mga ospital na tumatanggap ng COVID patients.

Matatandaan na sa pagdinig sa Philhealth ay inihalintulad ni Lacson ang B. Braun sa Wellmed Dialysis Center na gumagawa ng bogus claims.

Sa kabuuan ay nakakolekta ang nasabing dialysis center ng P811 Million mula sa Philhealth mula taong 2015 to 2018 sa kabila ng limited nitong operasyon sa dialysis machines.

Sa IRM Funding naman ay nakakuha ng halos aabot na P50 million ang B. Braun at isa sa mga unang nakakuha ng pondo.

Samantala, ngayong araw, inaasahang ilalabas ni Senate Pres. Tito Sotto III ang committe report sa ginawang tatlong araw na pagdinig ng senate committe of the whole laban sa Philhealth.

Kaugnay nito, si dating NBI chief Atty. Dante Geirran ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong pinuno ng PhilHealth.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.