DICT Sec Rio, may paalala sa netizens sa pag-share ng video ni Jim Paredes

Naniniwala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na may nangyaring krimen sa paglabas ng sex scandal video ng beteranong singer na si Jim Paredes sa publiko.

Ito ay kahit hindi dumaan sa pamamagitan ng email o mga kahalintulad na domain ang naging paraan nang pagkalat nito.

Ayon kay DICT acting secretary Eliseo Rio Jr., maituturing na isang criminal act ang ginawa ng kung sino man na nag-upload nito sa social media at kung tama ang impormasyon, na galing mismo sa memory bank ni Paredes ang video at hindi ito ipinadala ng singer sa kung kanino man.

Tama aniya ang naging aksyon ni Paredes, na magsampa na ng reklamo sa Philippine National Police (PNP) para mapanagot ang nasa likod ng pagkalat ng video.

Kasabay nito, nagpaalala rin si Rio sa netizens, na maging responsable at mag-isip munang mabuti bago gumawa nang kahalintulad na mga video kahit pa dapat ay pang-personal na gamit lamang ito.

Paalala pa ng opisyal, ang sinumang indibidwal na magsi-share ng kaparehong malalaswang video ay mayroon ding pananagutan sa ilalim ng Cybercrime Law. 

Ano masasabi nyo sa balitang ito?

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.