TINGNAN: Dike sa Camarines Sur, natapos nang gawin ng DPWH

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 200 lineal meter dike sa kahabaan ng Bicol River Basin sa Barangay Taban, Minalabac, Camarines Sur.

Ayon kay Secretary Mark Villar, ang nakumpletong dike ay magbibigay daan para makaiwas ang nasabing lugar sa mga pagkakalat ng mga lupa na makakabawas na naman sa posibleng pagkasira ng mga kagamitan sa lugar.
 
Ang naturang dike din aniya ang magsisilbing point of entry para sa mga local farmers at mangingisda gayundin ang iba pang tourism activities.
 
Sakop ng ₱44.8 million project na ito ang 0.2 kilometer dike sa kahabaan ng Libmanan River na may 2.5 meter na lapad at concrete cement pavement sa kabuuan, gayundin ang 398 meters ng railing sa kahabaan ng istruktura na may provision ng drainage structures at slope protection.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.