DILG ipinag-utos sa LGUs, Paggawa ng protected biking lanes, walking paths bilang ligtas na alternatibong transportasyon

Hinimok na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na gumawa ng protected biking lanes at walking paths para sa publiko.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año ikinukunsidera na ng ahensya bilang mode of transport ang pagbibisikleta at paglalakad sa gitna ng COVID-19 crisis.

Paliwanag ni Año nagiging bulnerable na rin sa coronavirus transmission ang public mass transportation sa kabila ng ipinatutupad na health protocols.

Kaya’t hinihimok ang publiko na maglakad at magbisikleta para maiwasang makahalubilo ang maraming tao at mabawasan ang tsansa ng hawaan ng virus.

Base sa pag-aaral isa ang public transport system na naging breeding ground ng COVID-19 transmission kaya’t hinihikayat ang mga LGU na magtayo ng walking paths at bike lanes.

Layon din nito na matiyak na ligtas ang mga mamamayan sa kanilang paglalakad at pagbibisikleta.

Una nang nilagdaan ng DILG at national government agencies ang Joint Administrative Order 2020-0001 para maipatupad ang programa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.