DILG sa mga rally organizers huwag ikumpromiso ang kalusugan ng mga tao sa gagawing SONA rally

Muling iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na anumang klase ng mass gathering o pagtitipon sa panahon ng pandaigdigang pandemya ay banta sa COVID-19 transmission.

Ito man ay mga kilos protesta , church gatherings, sports events, concerts, at iba pa.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, pinakikiusapan ng DILG ang publiko na iwasan ang pagsama sa mga pagtitipon lalo pa’t mataas ang panganib ng COVID transmission.

Bagamat, sinasang-ayunan ni Malaya na karapatan ng publiko ang mapayapang pagtitipon para mailabas ang kanilang saloobin at mga hinaing.

Pero nasa gitna ng pandaigdigang pandemya ang bansa at ang mga pagtitipon ay nasa ilalim ng makatwirang regulasyon ng mga awtoridad upang maprotektahan ang publiko laban sa COVID-19.

Umaapela ang DILG sa mga rally organizers na huwag ikumpromiso ang kalusugan at kapakanan ng mga tao.

Hinikayat din ang mga ito na maging responsableng mamamayan at gawin ang kanilang parte sa paglaban sa pandemya. Hiling sa kanila ng DILG na maging bahagi ng solusyon at hindi ang problema.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.