DILG sa publiko: Isumbong ang nagpapatupad ng “No Voter’s ID, No food pack policy”

Nanawagan ngayon ang DILG sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang sinomang kapitan o opisyal ng baranggay na humihingi muna ng Voter’s ID sa kanilang mga nasasakupan bago mabigyan ng rasyong food packs.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, walang gayung patakaran na dapat ipatupad lalo nat lahat aniya sa mga panahong ito ay nangangailangan.

Hindi aniya dapat pairalin ang anomang anyo ng politika sa ganitong klase ng sitwasyon at krisis na kung saan ay pawang apektado ang lahat.

Nanindigan si Malaya na per household ang pagbibigay ng food packs na tatagal ng tatlong araw at wala nang kailangan pang i-presenta sa mga opisyal ng baranggay na anomang dokumento bago sila mabiyayaan ng rasyon.

Apela ng DILG official, huwag mag- atubiling isumbong sa kanila ang mga nagpapatupad ng NO voter’s ID, NO food pack policy at agad aniya nila itong aaksyonan.

Para sa mga katanungan o reklamo patungkol sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine laban sa #COVID19 sa LGUs, maaari pong tawagan ang DILG Emergency Operations Center (EOC) sa mga sumusunod na hotline numbers:

Globe
09274226300
09150054535

Smart
09617721668
09613849272

Trunkline
(02) 876-3454
Local 8801-8815.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.