DILG Sec. Año, Pagtaas ng drug war killings sa pandemic pakana ng kritiko, leftist, human rights groups

Hindi sinang-ayunan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga ulat sa pagtaas ng mga nasasawi sa drug war ngayong pandemya.

Posibleng pakana aniya ito ng mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon at ng mga kaliwa.

“It’s continuing, ‘yung aming pag-evaluate pati pag-remind sa ating mga pulis na we do not tolerate any policy on judicial killing, much more also violating human rights,” lahad ni Año sa isang panayam.

“In fairness naman, based on the latest data, bumaba ang ating crime volume ng 47% if we will compare the same period last year. ‘Yung sinasabi nila na dumami ‘yung patay nitong pandemic, we have to verify that, hindi ‘yan fact. Those are allegations from critics, from the leftist groups, from human rights groups. We are checking on those data and I really do not agree,” lahad pa nito.

Maaalalang unang iniulat ng Human Rights Watch ang drug war killings na nadagdagan ng 50% ngayong pandemya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.