DILG Sec Año, ‘Quarantine pass’ kailangan sa MECQ

Obligado muling magpakita ng quarantine pass ang mga residenteng nasa mga lugar na naka-modified enhanced community quarantine (MECQ), ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Inihayag ito ni Año matapos isailalim muli sa MECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal para makapahinga ang mga healthcare worker sa pagtaas ng bilang ng coronavirus disease case, na pumalo na sa mahigit 106,000 nitong Lunes.

“Under MECQ, kailangan natin ng quarantine pass and pinag-usapan na namin ng mga NCR mayors and tonight (Monday) may another meeting ulit kami with NCR mayors,” wika ni Año sa panayam sa radyo.

“Kailangan lang mga necessities, essentials lang ‘yung purpose ng paglabas at ibabalik din ‘yung quarantine passes diyan,” dagdag niya.

Gaya ng dati ay tigil daw muna ang mass transport at ang papayagan lang ay mga shuttle services point to point.

Hinihikayat din ang paggamit ng mga bisikleta habang maaaring makabiyahe ang mga motorsiklo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.