DILG Sec Año sa mga kritiko, Hindi kayo eksperto sa pandemya

Binuweltahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga kritiko ng motorcycle barrier at sinabing hindi sila eksperto sa pandemya.

Ang pahayag ay ginawa ni Año sa press conference sa Camp Crame matapos tanggapin ang donasyon ng Angkas group na isang libong backpack-Style motorcycle barrier.

Sinasabi kasi ng nga kritiko na husto na ang helmet na may face shield para makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19 at hindi na kailangan ng barrier sa pagitan ng drayber at pasahero ng motor.

Pero giit ni Año, may scientific basis ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF ) dahil pinag-aralan nila ang mga CCTV footage ng mga nagmomotor sa daan at nakita nila na malaking bilang ng mga riders ang nagtataas ng face shield o nagtatanggal ng helmet kapag nasa trapik dahil sa init.

Bukod dito, hindi lang aniya ang Pilipinas ang nag-impose ng barrier requirement sa mga motor kundi maging ibang mga bansa tulad ng Indonesia.

Dagdag ni Año, madaling bumatikos kung hindi ikaw ang responsable para sa kalusugan ng lahat ng mga mamamayan.

Sinabi ni Año, na nasisiguro niya na magbabago ang “perspective” ng mga kritiko tungkol sa mga ipinatutupad na Health protocols kung sila na ang magka-COVID.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.