DILG Sec. Eduardo Año, balik trabaho na

Makalipas ang halos apat na buwan na medical leave, masaya nang inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na balik-trabaho na si Secretary Eduardo Año.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, tagapagsalita ng ahensya, ngayong araw ay muling nag-report sa kanyang opisina si Secretary Año.

Sa inilabas na pahayag ng ahensya, idinetalye ng kalihim kung papaanong nalampasan niya ang pangalawang beses na pagtama ng COVID-19 sa kanya noong Enero.

Nagkasabay-sabay umano ang lahat ng sintomas ng COVID-19 sa kanyang katawan na naging dahilan para siya ay sumailalim sa medical leave.

Una nang dinapuan ng virus ang kalihim noong March 2020 at nasundan noong nakaraang Agosto.

Labing-isang araw namalagi si Año sa ospital nitong January 2021 para sa full recovery.

Pero nitong nakaraang buwan ng Marso ay ibinalita ng kanyang mga doktor na sya ay fully recovered na mula sa sakit.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.