Diwata-2 Microsattelite ng Pilipinas, matagumpay na nailunsad sa kalawakan

Diwata-2 Microsattelite ng Pilipinas, matagumpay na nailunsad sa kalawakan

Matagumpay na nailunsad sa kalawakan ang Diwata-2, ang ikalawang Microsatellite ng Pilipinas, mula sa Tanegashima Space Center sa Japan kahapon.

Ang paglulunsad na naganap alas-12:08 ng tanghali ay ginawa sa pamamagitan ng H-IIA Rocket.

Ang naturang satellite ay may estimated life span na tatlo hanggang limang taon, may timbang na 57.4 kilograms at sukat na 50 x 50 x 50 cm.

Ito ay dinivelop at binuo sa ilalim ng Development of Philippine Scientific Earth Observation Microsatellite Program, na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).

Ang naunang microsattelite na Diwata-1 na inilunsad ‘nung 2016 ay inaasahang magtatagal hanggang pagdating ng taong 2020.

 

Kasama sa misyon ng Philippine microsatellite ang magbigay ng “on demand image acquisition” sa panahon ng kalamidad at sakuna, magbibigay rin ito ng mga imahe na magagamit sa monitoring at assessment ng mga pagbabago sa vegetation and land cover, maging sa water quality parameters ng coastal at inland waters, at paraan ng komunikasyon para sa emergency responders gamit ang amateur radio, kung hindi gumagana ang mga cellsite.

Layon ng programa na ito ng DOST na makabuo ng isang local industrial base, at mapabuti ang local space science and engineering expertise na siyang maghahanda sa bansa sa pagtatag ng Philippine Space Agency.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.