DND Sec Lorenzana, Human Security Act hindi dapat ikabahala ng publiko

Walang dapat ikabahala ang mga mamamayan sa isinusulong na Human Security Act.

Ito ang pagtiyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, matapos sertipikahan ng Pangulo bilang “urgent” ang naturang panukala.

Ang pagtiyak ni Lorenzana, ay sa gitna ng pagpuna ng ilang mga kritiko na magiging daan ang naturang batas para sa pang-aabuso sa karapatang pantao.

Paliwanag ni Lorenzana, malinaw namang nakasaad sa isinusulong na batas ang mga kaparusahan sa mga law enforcer na aabuso sa batas.

Sapat din ani Lorenzana, ang mga inilagay nilang probisyon sa nasabing batas, na nagtataguyod sa karapatang pantao o human rights.

Magugunitang inihayag din ni Lorenzana, na walang ngipin ang umiiral na Human Security Act of 2007, at hindi aniya ito epektibo para labanan ang terorismo kaya kailangan ng mas malakas na batas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.