DOE isinusulong ang Nuclear Power para sa energy security sa gitna ng COVID-19 pandemic

Naniniwala si Energy Secretary Alfonso Cusi na napapanahon na upang muling ikonsidera ang nuclear power bilang source ng energy sa bansa, sa gitna ng nararanasang epekto ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang statement, sinabi ni Cusi, na dapat mabalanse ang pangangailangan sa enerhiya at pagtugon sa pangangalaga sa kalikasan, para sa mabubuong polisiya ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Cusi, na dahil sa pandemya ay naibunyag ang panganib na maaaring idulot sa energy systems na mauuwi sa krisis sa kuryente.

Bukod sa nuclear power, nakikipag-ugnayan aniya ang Department of Energy (DOE) sa Philippine Export Zone Authority (PEZA), para sa development ng economic zones na magbibigay ng clean energy source.

Iginiit pa ng kalihim, na mas makabubuting gamitin muna ang resources na nakahanda, at suportahan ang pagpapaigting dito tulad ng geothermal at hydro, na napatunayan nang maaasahan bilang baseload power sources.

Kasabay nito, ang pagtitiyak na maipapatupad nang mahusay ang Renewable Energy Act of 2008, upang hindi masakripisyo ang pagkakaroon ng energy security.

Kabilang sa mga mekanismo, ay ang Renewable Portfolio Standards na nag-uutos sa distribution utilities, na maglaan ng minimum portion ng suplay mula sa renewable sources at ang Green Energy Option Program, na nagbibigay ng pagkakataon sa consumers para igiit ang pakikinabang sa clean energy source.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.