DOH bumuwelta kay VP Robredo: Walang nanloloko sa taumbayan ukol sa COVID data

Walang panloloko sa mga datos na ibinibigay sa ating mga kabababayan.
Ito ang iginiit ni Health Usec Maria Rosario Vergeire kaugnay sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo kaugnay umano sa tangkang panlilinlang ng DOH sa mga ipiniprisintang datos sa positivity rate.


“The attempt to mislead people and sugarcoat the truth is really saddening. An attempt to disregard facts and claim victory while so many are still getting sick with the virus will diminish that opportunity” ayon sa bahagi ng post ni Robrero.

Ayon sa DOH, ang positivity rate ay percentage ng mga taong nagpositive sa lahat ng mga nagpa-test para sa COVID-19.

Paliwanag ni Vergeire, ito ay ginagamit upang malaman kung ang bansa ay may sapat na testing capacity, dahil dito nakabase kung nade-detect ng bansa ang kaso ng COVID-19.

Aniya, noong Abril 30 ay nakapagtala ng 22.2 percent na positivity rate habang nakapagtala naman ng 8.8 percent accumulative positivity rate nitong July 23 na halos 14 na puntos ang nabawasan mula noon.

Ayon pa kay Vergeire, gusto lamang ipakita ng DOH na may pagbabago sa testing capacity.

Dagdag pa nito na kaya bumababa ang numerong ito ay dahil nagkakaroon ng mas maraming laboratoryo sa bansa na maaring gumawa ng test.

Senyales din aniya na tama at nasa ayon ang pagresponde sa pandemya.

Nilinaw din ni Vergeire na naglalabas ang DOH ng global parameters tulad ng paglalabas ng goal na less than 5 percent na positivity rate mula sa WHO na isa sa basehan kung sapat ang pagkontrol ng COVID-19 sa bansa.

“Kung makikita mas mataas pa rin tayo sa less than 5 percent na standard ng WHO” ayon pa kay Vergeire.

“Wala pong intensyon ang DOH na linlangin ang mga tao dahil inilalabas naman namin ang mga datos na maaring gamitin sa analysis,” dagdag pa ni Vergeire.

Tiniyak din nito na patuloy na magiging transparent ang DOH sa lahat ng inilalabas na datos upang makita ng publiko ang ginagawang aksyon laban sa pandemyang ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.