DOH nagdeklara ng Measles Outbreak sa Metro Manila

watch the video here:

Nagdeklara ng measles outbreak o tigdas sa Metro Manila ang Department of Health (DOH).

Kinumpirma ng DOH na talamak ang tigdas kaya nagdeklara nito.

Sa panayam sa himpilan ng radyo, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na mula noong Enero 1 hanggang Pebrero 1 ngayong taon ay umabot na sa 47 ang bilang ng mga batang nasawi dahil sa tigdas sa Metro Manila pa lamang.

Ang iba umano sa nasawi ay mula sa mga lalawigan subalit sa San Lazaro Hospital sa Maynila dinala.

Karamihan umano ng namatay ay dahil sa kumplikasyon ng tigdas na pneumonia.

Pinayuhan din nito ang mga magulang na huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak ng kontra tigdas at libre umano ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.