DOH Sec. Duque, dapat maibestigahan kaugnay sa mga Anomalya sa Philhealth

Dapat ding imbestigahan ng Kamara tungkol sa anomalya sa PhilHealth si Health Secretary Francisco Duque III ayon kay ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo.

Ayon sa mambabatas, kailangan na humarap din si Duque sa pagdinig dahil siya ang tumatayong Chairman ng PhilHealth Board of Directors at may pananagutan ito sa patuloy na mga nangyayaring iregularidad sa PhilHealth.

Bukod sa Senado at Kamara ay dapat ding silipin ng Office of the Ombudsman ang papel ni Duque sa mga anomalya sa PhilHealth na matagal nang nagaganap bago pa man ang pandemic.

Kasabay naman nito ay inirekomda ni Tulfo na isailalim sa hospital arrest si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na iniinda ngayon ang sakit na lymphoma.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.