DOH Sec. Duque, di nakasama sa pasasampahan ng kaso ng DOJ

Ikinagulat ni Senate  President Tito Sotto III na hindi nakasama ang pangalan ni Health Secretary Francisco Duque III sa pasasampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ).

Sa ipinasang report ng Philhealth Task Force kay Pangulong Rodrigo Duterte ay inirerekomenda nitong sampahan ng kasong kriminal at administratibo ay sina Morales, Senior Vice President (SVP) Jovita Aragona, Officer in Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Pargas, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.

Pero wala sa listahan ng DOJ ay ang pangalan ni Sec. Duque maging ang pangalan ni  Senior Vice President ng legal sector na si Rodolfo Del Rosario bagay na ipinagtataka ni Sotto.

Matatandaan na sa committee report ay idiniin ng Senado na dapat kasuhang kriminal si Duque dahil sa mga illegal na pagpapalabas ng pera mula sa IRM funds ng PhilHealth.

Ayon sa report dahil tumatayong Chairman ng Board ng Philhealth ay may  pananagutan ito dahil nangyari ang ganitong irregularidad sa loob ng ahensya.

Matatandaan din na isa si Del Rosario sa inirikumendang kasuhan ng malversation ng Senado dahil sa kabiguan nito na aksyunan ang fraud at mga pending cases sa opisina ng Philhealth Chief.

Ayon kay Sotto, malinaw sa Article 217 Revised Penal code na maaring sampahan ng kriminal ang mga ito dahil sa kanilang kapabayaan sa kanilang posisyon.

Dagdag pa nito Sotto dapat magkaroon ng mas maayos na perspective ang ombudsman sa mga anomalya sa loob ng ahensiya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.