DOH Sec. Duque – Mag-flying kiss na lang ngayong Valentine’s Day para iwas Covid-19

 Pinayuhan at binigyan ng tips ng Department of Health (DOH) ang mga Filipino na nagdiriwang ngayon ng Araw ng mga Puso ng ligtas na paraan kontra coronavirus disease (Covid-19).

Sa Laging Handa briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay iminuwestra ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga paraan ng ligtas na pagbati ng Happy Valentine’s Day.

Kabilang na aniya rito ang pagkaway, pagbibigay ng flying kiss subalit siguraduhin aniya na hindi ididikit ng taong magbibigay ng flying kiss ang kanyang kamay sa kanyang bibig at siguraduhin aniya na hindi magsasalita habang nagbibigay ng flying kiss.

Hindi aniya airborne delivery ang Covid-19. Ito aniya ay sa pamamagitan ng respiratory droplet ang mode of transmission ng virus.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Sec. Duque na wala pa silang ibinibigay na iba pang supplemental kung hindi man complimentary advisories ngayong ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso.

Nauna na kasing nagpalabas ng advisory ang DoH ng ‘purely recommendatory”  advisory sa mga dadalo sa concerts, public events, at prayer rallies.

Binigyang halimbawa ni Sec. Duque ang pagtitipon sa hotel gaya ng convention kung saan ay kailangan na may sapat na disinfectant sa bawat lugar.

Bukod dito, hinikayat din niya ang publiko na panatilihin ang madalas na paghuhugas ng kamay gaya ng nauna na nilang ibinahagi sa publiko.

Hindi lamang aniya ito usapin ng Covid-19 kundi dahil marami pa aniyang mikrobyo, viruses at bakterya ang dapat na iwasan at labanan ng mga mamamayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.