DOH Sec. Duque umapela sa Senado na ‘wag isama sa kaso

Umapela si Health Secretary Francisco Duque sa mga senador na huwag magsampa ng reklamo laban sa kanya sa Office of the Ombudsman hinggil sa mga paratang na sangkot sa mga katiwalian sa Philhealth Insurance Corporation (Philhealth).

Ayon sa isang interview sa kalihim , sinabi nitong gusto niyang umapela upang hindi siya magambala sa kanyang trabaho dahil aniya ito ay napakahirap na trabaho.

Gayunman, aminado ang kalihim na nasa Sernado na ang pagpapasya kong sasampahan siya ng reklamo o hindi.

Tiwala naman ang kalihim na susundin ng Ombudsman ang due process kung magpasya ang Senado na siya ay sampaahn ng reklamo .

“Until all the pieces of evidence are really established which I feel must lead to the dismissal of the case once these pieces of evidence are put together,” ayon pa sa kalihim.

Kumpiyansa ang kalihim na malilinis siya sa anumang akusasyon ng katiwalian kung saan sinabi nito na kanyang kagustohang makipagtulongan sa mga pagsisiyasat hinggil sa umanoy mga tiwaling aktibidad sa Philhealth.

Si Duque ay siyang Chairman ng Philhealth ngunit hindi aniya siya bahagi ng proseso ng pagpapasya ng lupon ng Philhealth.

Sinabi pa ng kalihim na wala siyang kinalaman dahil hindi siya bahagi ng debate, deliberasyon at diskusyon kung saan dapat aniya sana na naroon siya upang narinig ang lahat ng mga panig at ginawang pag-uusap ng lupon.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na ipapaubaya niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kapalaran ng Philhealth.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.