DOJ, hawak na ang kopya ng Implementing Rules and Regulations ng Anti-terrorism Law

Nasa tanggapan na ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang binalangkas na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-terrorism Law, na kaagad isasailalim sa masusing pag-aaral o evaluation ng kagawaran.

Kinumpirma ni Secretary Menardo Guevarra, na natanggap na nila kahapon ang 1st draft ng IRR ng Republic Act 11479, na mas kilala bilang Anti-terrorism Act of 2020.

Ayon kay Sec. Guevarra, kailangan pang i-edit o mabusising mabuti ang IRR upang maisumite kaagad sa Anti-Terrorism Council upang kanilang pagpasyahan.

Tiwala naman ang kalihim, na makakarating sa itinakdang deadline ang binalangkas na IRR sa susunod na buwan, para sa promulgasyon nito.

Sa kasalukuyan, ay umabot na sa 32 ang mga petisyon na isinampa sa Korte Suprema, na tumututol sa pagpapatupad ng kontrobersyal na batas dahil malalabag umano ang karapatang pantao sa ating bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.