DOJ nagsampa ng Ika-5 tax evasion case vs Rappler CEO Maria Ressa

watch the video here:

Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng ika-limang tax evasion case ang online news website na Rappler at ang CEO nitong si Maria Ressa sa Pasig RTC.

Ang apat na tax evasion cases ay inihain naman sa Court of Tax Appeals kahapon.

Nilabag umano ng Rappler ang sections ng National Internal Revenue Code (NIRC) kaugnay sa income tax nito at value-added tax returns.

Nauna nang napatunayan ng DOJ na may probable cause para kasuhan ang Rappler ng tax evasion kaugnay sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong taon.

Ayon sa BIR, nabigo umano ang Rappler na magbayad ng buwis mula sa sale ng Philippine Depositary Receipts noong 2015.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.