DOJ, nakahandang bigyan ng proteksyon ang mga lumantad na dating kadre ng CPP-NPA

Nakatakdang bigyan ng proteksyon ng Witness Protection Program ng DOJ ang mga lumantad at sumukong kadre ng CPP-NPA na nagsilbing resource person ng Senado kaugnay sa usapin ng red-tagging.

Nilinaw ni DOJ Sec. Menardo Guevarra na hinihintay na lamang ng Kagawaran ang endorsement mula sa Senado, at idadaan ito sa masusing evaluation at maglalabas na ito ng kautusan tungkol dito.

Magugunitang nauna ng humiling ng proteksyon sa DOJ si Ka Eric Almendras, dahil nasa hit-list na sila ng kanilang dating grupo dahil sa kanilang paglantad sa mga aktibidad ng CPP-NPA katulad ng pagre-recruit sa mga kabataang estudyante.

Bukod kay Ka Eric, ay kabilang lang din sa mga dumalo sa Senado sina Ka Ivy, Ka Amihan, Ka Noel at Ka Lolit, kaugnay sa red-tagging ng pamahalaan sa mga supporters ng CPP-NPA.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.