DOJ Sec Guevarra, sang-ayon sa NPC hinggil sa isyu ng pagkamatay ni JB Sebastian dahil sa COVID

Pinaboran ni Justice Secretary Menardo Guevarra si National Privacy  Commission (NPC) Commissioner Mon Liboro sa naging pahayag nito hinggil sa pagkakamatay ng high profile inmate na si JB Sebastian.

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag sinabi ni Guevarra na tama ang naging punto ni Liboro kung saan hindi dapat ginagamit ang Data Privacy Act para itago sa publiko ang mga impormasyon na dapat nitong malaman.

Pabor din si Guevarra sa sinabi ni Liboro na merong justified public interest hinggil sa paglalabas ng impormasyon sa pagkamatay ni Sebastian, lalo na aniya kung ang personal na impormasyon na ito, ay konektado sa mga issue na alam ng publiko.

Ayon naman kay Guevarra, si Sebastian ay nakatakdang tumestigo para sa taumbayan hinggil sa mga kasong nakasampa laban kay Senator Leila de Lima, dahilan para magkaroon ng punto ang sinasabi ni Liboro.

Nilinaw naman ng kalihim na hinggil sa iba pang high profile inmate na pumanaw dahil sa COVID-19, ay marapat na lamang na antayin ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation na kanya namang opisyal na itinalaga bilang mga imbestigador sa nasabing insidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.