DOJ tukoy na ang lalaking nag-post sa Facebook na gagasahin ang anak ng Megastar

Natukoy na ng Department of Justice (DOJ) ang lalaking nag-post sa Facebook na gagahasain ang anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan.

“The DOJ-Office of Cybercrime has ascertained the identity and location of the person who allegedly threatened Frankie Pangilinan,” ayon kay DOJ spokesman Markk Perete.

Ayon kay Perete ay nakipag-ugnayan na sila sa Facebook para maipreserba ang nilalaman ng account ng suspek habang naghihintay ng pormal na reklamo mula sa mga Pangilinan. Posible rin aniya na mag-request ng warrant ang mga awtoridad “for disclosure of computer data and extradition” kung kinakailangan.

Kamakailan ay binatikos ni Cuneta ang post ng isang Sonny Alcos na diumano ay nagbanta na gagahasain ang kanyang anak na babae.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaaring magsampa si Cuneta ng reklamo kahit saang tanggapan ng city prosecutor o sa DOJ office sa susunod na linggo dahil sarado pa ang kanilang gusali ngayon sanhi ng COVID-19 pandemic.

“It’s not required that the complainant personally go to the prosecutor’s office/DOJ. Her (Cuneta) lawyer may do it for her, provided the complaint has been duly sworn to by the complaint,” ayon sa justice secretary.

Gayunpaman, mas maganda aniya kung mismong si Cuneta ang personal na dudulog sa prosecutor’s office.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.