Doktor Para sa Bayan Act, ratipikado na rin sa Kamara

Pinapurihan ng ilang mambabatas ang pag-ratipika ng Mababang Kapulungan sa Doktor Para sa Bayan Act.

Pinasalamatan ni Quezon Representative Angelina “Helen” Tan, ang mabilis na pag-ratipika ng Kamara sa panukala, na layong tugunan ang kakulangan ng doktor sa bansa lalo na ngayong mayroong pandemiya.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng Medical Scholarship at Return Service program ang mga deserving student, mula sa state universities and colleges (SUCs) o private higher education institutions (PHEIs) sa mga rehiyon na walang iniaalok na medical course.

Makakatanggap ng libreng matrikula at iba pang bayarin, allowances para sa libro, supplies, equipment, clothing, dormitory, at transportation, libreng internship fees, medical board review fees, at annual medical insurance ang mga estudyanteng makakapasok sa programa.

Kabilang naman sa probisyon na isinulong ni Tan at naisama sa ratified version, ang return service sa public health office o government hospital sa gitna ng pandemic o public health emergency, bilang kondisyon upang magawaran ng medical scholarship.

Para naman kay CIBAC Partylist Rep. at House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, ang naturang landmark legislation na ito ay magpapabuti sa ating public health workforce, dahil madaragdagan na ang mga doctor-to-population ratio upang makasabay sa international standards.

Matitiyak rin aniya ng naturang batas, ang presensya ng mga competent na manggagamot sa mga malalayong lugar upang matugunan ang medical at health needs ng lahat ng Pilipino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.