DOLE, hinimok na tulungan ang mga apektadong empleyado ng ABS-CBN

Kinalampag ni ACT-CIS Partylist Representative Jocelyn Tulfo ang ehekutibo na atasan ang Department of Labor and Employement (DOLE) na tulungan ang mga apektadong empleyado ng ABS-CBN  matapos hindi mabigyan ng panibagong prangkisa.

Ayon kay Tulfo, dapat ay bigyan ng DOLE ng cash aid at job-matching assistance ang nasa 11,071 na mga manggagawang apektado.

Aniya, obligasyon ng pamahalaan na bigyang ayuda ang mga apektadong trabahador.

Mungkahi rin nito na isali ang mga displaced  ABS-CBN workers sa kasalukuyang ipinaiiral na one-time cash assistance ng DOLE na P5,000. Bagama’t hindi aniya kalakihan ay mas mabuti na raw ito kaysa sa wala.

Facebook Comments

1 thought on “DOLE, hinimok na tulungan ang mga apektadong empleyado ng ABS-CBN

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.