DOLE Sec. Bello, Health workers na may kontrata na paalisin

Inendorso na ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa Inter-Agency Task Force ang rekomendasyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magpapaalis sa health workers na may kumpletong kontranta.

“Nag-appeal ang mga nurses at medical workers natin. Dahil dito, nag-recommend ang POEA, through a governing board resolution, na kung maari ay i-extend ang cut-off to Aug. 31. ‘Yung may kumpletong papeles as of Aug. 31 ay puwede na umalis,” saad ni Bello.

Ayon pa kay Bello suportado niya ang rekomendasyon at naniniwalang papayagan ito ng IATF.

“Palagay ko, may meeting kasi bukas, baka maaksyunan favorably. Subject of course to the approval of the President pa din,” dagdag pa nito.

Matatandaang pinatupad ng POEA ang deployment ban sa mga piling uri ng health worker noong Abril upang matustusan ang atensyong medikal ng bansa kontra COVID-19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.