DOST sinisimulan na ang pag-aaral sa mga virus para sa pagtatayo ng PH virology institute

Sinimulan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga pag-aaral sa mga virus sa paghahanda para sa paglulunsad ng virology institute sa bansa kasunod ng COVID-19 pandemic crisis.

Sa isang public briefing nitong Miyerkoles, sinabi ni DOST Secretary Fortunato de la Peña na iminungkahi na ng ahensya ang pagbuo sa institute.

“We have already started the studies related to virology not exclusively for COVID-19 alone but for other viruses,” ayon kay De la Peña.

“This is already part of our preparations for setting up of a virology science institute of the Philippines, which we proposed,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay De la Peña, nasa legislation na ang mungkahing ito.

Nauna nito, inihain ni Senasor Panfilo Lacson ang Senate Bill No. 1543 kung saan minumungkahi nito ang paglulunsad ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) sa ilalim ng DOST.

Binigyang-diin ng mambabatas ang kahalagahan ng pananaliksik at development upang maiwasan ang mga pandemya kagaya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“The country needs diagnostics to detect and limit the spread of the existing viruses; vaccines to provide long-term protection; treatments to save lives in the shorter term, and social science to understand their behavioral and societal implications,” saad ni Lacson.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.