DOTr, Magpapatupad ng No face shield, no ride policy sa mga public commuter

Ipatutupad ang no face shield, no ride policy sa lahat ng pasahero ng mga pampublikong sasakyan.

Batay ito sa memorandum circular no. 2020-014 na inilabas ng Department of Transportation (DOTr) maliban sa face mask, oobligahin din ang publiko na magsuot ng face shield bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, inatasan ni DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr. ang lahat ng opisyal ng kanilang sektor na istriktong ipatupad ang nasabing panuntunan sa mga lugar kung saan pinapayagan ang pampublikong transportasyon.

Ayon sa DOTr, epektibo naman ang polisiya simula sa Agosto 15.

Habang obligado naman ang mga pasahero ng anumang sasakyang pandagat na magsuot ng face shield simula sa Biyernes, Agosto 7, 2020.

Sa huli, pinaalalahanan din ng DOTr ang mga pasahero na patuloy paring obserbahan ang ilan pang ipinatutupad na health protocols kabilang na ang social distancing lalo na sa mga pampublikong lugar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.