DOTr pagmumultahin ang mga Bus operator na maniningil sa Beep card

Pagmumultahin ng Department of Transportation (DOTr) ang sinumang bus operator na maniningil ng karagdagang bayad sa Beep card.

“Unang-una na papatawan ng penalty dyan is ‘yung bus operators, dahil ‘yun ang kausap namin… Sila ang mananagot kasi sila ang kausap eh. Basta kami sinabi lang namin sa kanila na dapat walang bayaran ng pamasahe sa loob ng bus para maiwasan ang COVID transfer,” giit ni DOTr consultant Alberto Suansing sa isang panayam ng Teleradyo.

“Inorder namin ‘yan through yung aming kausap which is ‘yung bus operators. Sinasabi namin sa bus operators, kung hindi nila kayang ibigay ‘yan humanap kayo ng iba,” dagdag nito.

Naglabas na rin ng Memorandum Circular 2020-057 ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtatakdang maging libre ang paggamit ng naturang card para sa cashless transaction sa mga pampublikong sasakyan.

Ngunit hindi kasama rito ang mga tren dahil may kasunduan nito sa AF Payments.

Magsisimulang maging libre ang Beep card sa Biyernes, Oktubre 9.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ibigay ng libre ang Beep card sa mga pasahero nitong Lunes.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.