DOTr, pinatigil ang paggamit ng “beep cards” sa EDSA Busway

Suspendido na simula ngayong araw ang mandatory na paggamit ng “beep cards” sa EDSA Busway.

Ito’y matapos tumanggi ang service provider ng “automatic fare collection system” na AF Payments, Inc. sa pakiusap ng Department of Transportation na i-waive ang bayarin sa “beep card “.

Mananatili ang suspensyon hangga’t hindi nareresolba ang nasabing usapin.

Pansamantala, ipapatupad ang dual payment system sa mga pasahero ng EDSA Busway .

Lahat ng mga nakabili o mayroon nang mga beep card ay maaari pa ring gamitin para sa pagbabayad ng pamasahe.

Habang “off board cash payment” naman para sa mga pasaherong wala pang card.

Ang pagbabayad ng pera ay kokolektahin ng mga tauhan mula sa EDSA Bus Consortia sa mga istasyon.

Pagtiyak ng EDSA Bus Consortia na maghahanap uli sila ng ibang AFCS provider na makakapag-alok ng magandang solusyon sa kinakaharap na problema.

Una nang hiniling ng DOTr sa service provider na alisin ang bayarin sa beep card ng umani ng maraming reklamo mula sa mga commuters.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.