DOTr sa publiko: Pagsusuot ng face mask, face shield, at distancing, 99% iwas-COVID

Siniguro ng Department of Transportation (DOTr) na abot sa 99 porsyentong proteksyon ang maibibigay sa publiko ng pagsusuot ng face masks, face shields, at physical distancing.

Ito ay base sa datos mula sa 2020 study nina Dans, Herrera, et al., na pinag-aralan at kinalkula ang estimated risk reduction sa pagkakaroon ng COVID-19 habang may suot na face masks, face shields, at physical distancing.

Ipinost naman ng DOTr ang datos sa kanilang Facebook post nitong Huwebes.

Sa pag-aaral:
Mapabababa ng 93% ang pagkakaroon ng COVID kung ang isang indibidwal ay nakasuot ng face mask, at face shield;

Habang 94% naman kung may pinatutupad na isang metrong physical distancing habang may suot na mask;

97% namang iwas-COVID kapag nagpatutupad ng dalawang metrong physical distancing na may suot na mask.

Dahil dito, napagdesisyunan ng DOTr na mandatoryong pagsusuot ng face shield para sa mga pasahero sa sa pampublikong transportasyon.

“This being said, starting August 15, the DOTr will require all passengers using any mode of public transportation to wear face shield as an additional ‘armor’ in the fight to prevent this sector from becoming a transmission vector of the virus.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.