DOTr Sec Tugade sa Beep card sa Edsa Carousel dapat libreng makuha ng mga pasahero

Hinihingi ng Department of Transportation (DOTr) sa service provider ng Edsa Busway, na gawing libre ang mga beep card na ipapagamit sa mga commuter.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade, hindi na daw dapat pagbayarin ang mga pasahero ng P80 para sa beep card tulad ng ginagawa sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Mungkahi niya sa Mega Manila consortium, ang service provider ng Edsa Busway, wala namang ibang maaaring maglagay ng load sa beep card kung hindi ang kanilang kumpanya lang.

Bukod dito, dagdag pasanin para sa mga pasahero na bibili ng P80 na beep card na walang load.

Kahapon ay inulan ng reklamo mula sa mga commuter ang pagpapatupad ng No Beep Card No Ride Policy, dahil kinailangan ng mga pasahero na bumili ng card at palalagyan pa ito ng load bago magamit at makasakay sa Edsa Carousel.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.