DPWH Sec Mark Villar, 25 tiwaling kontraktor blacklisted sa DPWH

Binalaan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang 25 tiwaling kontraktor na mahaharap sila sa parusa.

Ayon kay Villar, ito na ang pinakamaraming naitalang blackkisted non-performing o scheming kontraktor.

“Let this be a warning to our contractors that this administration of President Rodrigo Roa Duterte is serious in its anti-corruption drive and will not tolerate those who bagged big amount of civil works contract but deliberately violate the law for personal gains,” pahayag ni Villar.

Sa nagdaang dalawang dekada sa ilalim ng tatlong administrasyon, mula July 2016 hanggang sa ngayon ay nasa 25 kontraktor na ang naka-ban sa DPWH, ang mga iniulat na tiwaling contractors noong 2010 hanggang June 2016 ay lima lamang; at walo noong 2005 hanggang 2010.

Ang mga kontraktors na lumabag sa terms and conditions ng kontrata ay mahaharap sa blacklisting o suspensyon mula sa pagkuha ng anumang proyekto ng gobyerno alinsunod sa umiiral na batas at patakaran.

“This is a testament that collusion between contractors and DPWH officials is not being tolerated. If any of our implementing offices are tolerating erring contractors by letting them continue with their projects without sanctioning them, the Department will not hesitate in imposing disciplinary action against them,” anang kalihim.

Inilabas ng kalihim noong Enero 31, 2020 ang blacklisting order sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corporation na may P8.861 bilyon halaga ng kontrata na nasuspinde dahil sa delay sa implementasyon ng building project sa Indang, Cavite.

Isa pa sa binigyan ng suspension order noong September 6, 2018 ng isang taon ang Syndite Construction Corporation, na kumuha ng mga kontrata na umabot sa P 5.588 bilyon dahil sa “negative slippage” ng mahigit 15% sa konstruksyon ng flood contril system sa Cagayan.

Bagaman isinasagawa ang libu-libong mga proyekto ng public works, ang mga sistema ay nasa lugar upang matiyak ng Kagawaran na ang mga kontratang ito ay mahigpit na sinusubaybayan at maiingat mula sa anumang kapabayaan.

Pinangunahan din ng kalihim ang DPWH monitoring system gamit ang drones at

geographic-based status reports kasama ang pag-usad ng mga proyekto na nakumpirma sa pamamagitan ng satellite photography o geotagging upang kontrahin ang mga ghost projects.

Ang tech-based initiative na tinawag na DPWH Infrastrack application ay nagsasagawa rin ng virtual monitoring sa civil works projects para sa isang mas tumpak na pagsukat ng mga nagawa ng kontratista.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.