DPWH Sec. Mark Villar, iimbestigahan ang korupsiyon sa ahensiya

Bumuo na ng task force si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar para imbestigahan ang report ng patuloy na korupsiyon sa ahensiya.

Ito ay ilang araw matapos batikusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matinding korupsiyon sa ahensiya.

Sa Department Order No. 101 na nilagdaan ni Villar, binuo nito ang Task Force Against Graft and Corruption (TAG) na binubuo ng limang opisyal para imbestigahan ang mga anomalya na umano’y nagawa ng mga opisyal at empleyado ng departamento base sa valid complaints.

Inatasan rin ni Villar ang task force na sumunod sa due process sa kanilang imbestigasyon at inaasahang magrerekomenda ng nararapat na aksyon ukol sa erring officials at employees na mapapatunayang sangkot sa illegal acts.

Binigyan din ng otoridad ang body na bumuo ng Technical Working Group (TWG) na magsisilbi bilang kanilang secretariat.

Sa public address ng pangulo kagabi, muling binatikos ng pangulo ang DPWH dahil sa korupsiyon sa ahensiya kagaya ng kanyang pagbatikos dito noong nakaraang linggo.

Gayunman, personal na nilinis  ng pangulo ang pangalan ni DPWH Secretary Villar sa pagsasabing mayaman na ang opisyal upang masangkot pa sa korupsiyon.

“Si Villar mayaman. Sec. Villar maraming pera, ‘di kailangan mangurakot. Ang problema, sa baba. Malakas pa rin hanggang ngayon. ‘Yung mga projects sa baba, ‘yun ang laro diyan,” pahayag pa ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.