DPWH Sec. Villar, EDSA decongestion projects makukumpleto na!

Mas maraming decongestion program ang inaasahang matatapos, batay sa Department of Public Works and Highways (DPWH) partikular na sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) ngayong unang buwan ng taon.

“We can expect the bridges across Pasig river to follow, these are the big-ticket projects of EDSA decongestion,” batay kay Secretary Mark Villar sa kanyang ibinahaging post sa Facebook.

Isa na rito ang 18-kilometer Skyway Stage 3 project na bahagyang binuksan noong Dec. 29 at magiging fully operational sa Jan. 14.

Malapit na rin aniyang matapos ang BGC-Ortigas Link Bridge, Pantaleon Estrella Bridge, Binondo Intramuros Bridge, at iba pa.

“The BGC bridge, Estrella-Pantaleon bridge will soon be finished. So in 2021, we assured that these big-ticket projects of President Duterte will be inaugurated,” saad pa nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.