DSWD, nagpadala na ng augmentation support sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sunod-sunod na ang paghahatid ng ayuda sa mga lugar na pinalubog ng bagyong Ulysses.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang National Resource Operations Center (NROC) ay mayroong ₱800-million na halaga ng food stockpiles at standby funds.

Nasa ₱226-million dito ay standby funds.

Naka-prepositioned na ang 282,000 na available na family food packs at mga non-food items sa mga DSWD-field offices

Abot sa 1,000 family food packs, 250 sleeping kits ang naipamahagi na sa mga evacuees sa Quezon City, 2,000 FFPs at 400 sleeping kits naman para sa Marikina City .

Paparating na rin ang 2,000 family food packs sa Cardona, Rizal, at 4,961 sa San Narciso, Quezon.

Mayroon namang ₱3-million na standby funds ang ahensya sakaling kailanganin pa ng suporta ng mga apektadong LGUs.

Inihahanda na rin ng NROC ang paghahatid ng 3,300 family food packs para sa Legazpi Albay, at 1,700 FFPs para sa Camarines Norte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.