DSWD, nagpadala na ng tulong sa mga nagsilikas na residente sa Taal

Mga suplay ng pagkain at tents ang ipinadala na ng Department of Social Welfare and Development para sa mga residente na nagsilikas dahil sa pag-aalburoto ng Taal volcano.
Sa ulat ng DSWD, may 5,000 family food packs ang naihatid na sa Batangas Sports Complex Grandstand.
Nasa 2,000 family food packs at 300 tents naman ang ipinadala sa munisipalidad ng Laurel.
Habang 1,500 family food packs ang dinala sa munisipalidad ng Agoncillo.
Nasa iba’t ibang evacuation center sa lalawigan ang ilang pamilya na nagsilikas partikular sa mga paaralan ng Laurel at Balete.
Sa ulat ng Batangas PDRRMO, may 13 barangay sa 5 bayan ng Batangas ang naapektuhan ng phreatomagmatic explosion ng bulkang Taal nitong nakalipas na mga araw.