DSWD, nakakalap na ng higit 51,000 duplications mula sa mga unang nakatanggap ng SAP

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot na sa 51,563 ang bilang ng mga nadiskubre nitong duplications mula sa mga benepisyaryo ng unang tranche ng SAP.

Sa panayam sa programang Network Briefing, binigyang-diin ni DSWD Secretary Rolando Bautista na kaya mabusisi ang ginagawa nitong post-validation dahil sa natukoy na malaking bilang ng benepisyaryo noong unang tranche ang nakatanggap ng dagdag na ayuda mula sa ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon sa kalihim, nais nitong makatiyak na magkakaron ng malinis na listahan para sa second tranche nang mailaan sa mga nararapat na benepisyaryo ang cash assistance ng pamahalaan lalo na sa limang milyong waitlisted.

Kaugnay nito, tuluy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa local government units (LGUs) para sa magiging mekanismo ang distribusyon sa kani-kanilang lokalidad.

Base sa pinakahuling tala ng DSWD, nasa 1.3 million beneficiaries na mula sa 4Ps at waitlisted families mula sa Region 1, CAR, at Region 3 ang naunang nakatanggap ng second tranche ng SAP na nagkakahalaga ng P6.74-billion.

Target naman na isunod rito ng kalihim ang mga benepisyaryo sa Region IV-A sa susunod na linggo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.