DSWD, nakapagpalabas na ng mahigit ₱25.5-M financial assistance sa pinauwing LSIs

Pumalo na sa 10,361 ang bilang ng Locally Stranded Individuals (LSIs) ang napauwi na sa kani-kanilang lalawigan sa ilalim ng Hatid Tulong program ng pamahalaan.

Base sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) huling pinauwi sa lalawigan ang ikalawang batch na 5,039 LSIs mula sa Rizal Memorial Sports Complex.

Nakapagpalabas na rin ng abot sa ₱25,540,200 pondo ang DSWD na pabaon sa mga LSI.

Bawat indibidwal na hinahatid ay binibigyan ng tig-₱2,000 na financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Magdagdag pa na ₱1,000 sa sinumang indibidwal na may kasamang bata.

Bukod pa ito sa iba pang tulong na ipinagkakaloob sa kanila ng DSWD pagdating sa kanilang lalawigan.

Pagtiyak pa ng ahensya na magpapatuloy ang pagbibigay nila ng tulong sa mga LSI hanggang lahat ay makauwi sa kanilang pamilya sa lalawigan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.