Duque at iba pang mga Philhealth officials kakasuhan ng Senado

Pinahahanda na ng Senado ang mga kasong isasampa batay sa resulta ng naging imbestigasyon nila sa umano’y anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Bumida sa listahan ang walong kasalukuyan at dating mga opisyal ng Philhealth.

Tinukoy ni Senate President Vicente Sotto III ang mga nadiskubreng maling paggamit ng mahigit sa P14 bilyon para sa interim reimbursement mechanism (IRM) fund kung saan ang dapat na pang-COVID-19 cases lang na pondo sa mga pagamutan ay napunta rin sa dialysis at maternity cases.

Ang mga sumusunod ang pinasasampahan ng kaso:

Francisco Duque III, Department of Health Secretary and PhilHealth Board chair
Ricardo Morales, resigned PhilHealth President and Chief Executive Officer
Rodolfo Del Rosario JR., resigned PhilHealth Vice President for Legal Sector
Jovita Aragona, Senior Vice President for Information Management Sector
Calixto Gabuya Jr., acting Senior Manager, Information Technology and Management Department
Renato Limsiaco Jr., Senior Vice President for Fund Management Sector
Israel Francis Pargas, Senior Vice President for Health Finance Policy Sector

Iba pa ito sa administrative case laban kina PhilHealth Senior Vice President Dennis Mas at Morales.

“PhilHealth is hemorrhaging because of [the] inefficient running of the corporation, compounded by the corrupt practices inside,” paliwanag pa ni Sotto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.